Ang Pagiging Guro

Ang guro ay nararapat maalam sa asignaturang kanyang itinuturo ngunit sa panahon ngayon hindi na lamang sasapat iyan kundi nararapat na maging maalam at malikhain ang giro sa pag-iisip kung paano niya maipapahayag at matuturuan ang kanyang mga mag-aaral sa pinakamabisang paraan lalo na sa henerasyon ngayon na ang mga bata ay halos ipinanganak na katabi ang mga gadget sa kanilang mga katawan. Sa ganitong sitwasyon ang matalinong guro ay nararapat mag-isip ng istratehiya kung paano mas magiging praktikal ang pagtuturo- pagkatuto ng mga mag-aaral na hindi nalalayo sa kanilang karanasan sa henerasyon. Sa panahon ngayon nararapat na bang baliwalain ang mga tradisyunal na kagamitan sa pagtuturo?

Natutunan ko sa liksyon na hindi usapin ng tradisyunal o makabagong midyum ito ng pagtuturo. Tradisyunal man o makabago ay nararapat isipin ng matalinong guro kung paano ito magagamit sa wasto at epektibong paraan na nakasalalay sa layunin ng pagkatuto sa asignatura. Alalahanin na ang mga kagamitang pampagtuturo ay paraan/istratehiya lamang upang mapadali ang pagkakaunawa sa liksyon ngunit ang magiging gabay pa rin tungo sa layuning pagkatuto ay ang guro na hindi mapapalitan ng kahit anumang kagamitan(naka-print, audio, viswal atpb.)

Ang pagiging guro ay walang limitasyon kung anumang materyales ang nararapat nyang gamitin. gagamitin nya ang anumang kagamitan na makatutulong sa kanyang makakonekta sa kanyang mga mag-aaral. Tsalk man o paggamit ng Google slides. Inaalaman ng guro ang uri ng mga mag-aaral sa pamamagitan nito makapipili sya ng pinakaangkop na kagamitan sa pampagtuturo. Halimbawa, kung ang mga mag-aaral mo ay hindi pa gaanong gamay ang paggamit ng padlet.com ay hindi ito maaring ipilit bagkus maaring gumamit na muna ng panulat at papel.

Kaya kasama sa pagiging guro ang pagpapa-unlad ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagkatuto upang maraming mapagpiliian at maging opsyon.

Published by rheneerosegonzaleslim

Teacher, student, consultant, curriculum developer, author

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started