Paksang Aralin : Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Sining at Disenyo ( Wika sa Kulturang Popular)

Antas: Baitang 12
Haba ng Pagtalakay: 90 minuto
A- Analyze Learners Characteristic(Pag-aanalisa sa mga Mag-aaral)
- Ang mga mag-aaral ay binubuo ng 30 Senior Highschool baitang 12 sa IAcademy, na nasa strand na Multimedia Arts na Animation at Graphic Design. Lahat sila ay may malaking interes sa sining. 30% lamang sa kanila ang pangunahing wika ay Filipino at ang 70% sa mag-aaral ay Ingles ang pangunahing wika. Lahat ng mag-aaral ay nakatira sa Metro Manila kasama ang kani-kanilang mga pamilya. May 20% sa bilang ang kasama sa Upper Class ng lipunan , 50% naman ang nasa Upper Middle Class at 30% ang nasa lower Middle Class. Malaking porsyento sa mga mag-aaral ay may mga magulang na negosyante. Walang nakahiwalay na asignaturang Filipino para mga banyaga o hindi lumaki sa pagsasalita ng wikang Filipino sa paaralang ito
S- State Objective (Paglalahad ng layunin sa Pag-aaral)
Layunin:
- Nauunawaan ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng kulturang popular
- Naipamamalas ang kakayahan sa pagbuo/pag-akda ng kulturang popular sa mass media/social media
- Naiuugnay ang ginagampanan ng bagong porma ng panitikan sa pagbuo ng kulturang popular.
S-Select,Modify or Design Materials ( Pagpili ng wastong estratehiya, midya at Kagamitan sa Pagtuturo)
- Ang kabuuang pagtalakay sa paksa ay malayang talakayan.Magbibigay ng Rebyu ang guro sa nakaraang-aralin sa pamamagitan ng KWL na chart, magkakaroon ng Pagganyak na gawain na tutuon sa paksa ito ay sa pamamagitan ng Paggamit ng Kahoot.com. Matapos nito ay magbibigay ng mahalagang katanungan ang guro sa pisara na tutuklasin ng mga mag-aaral ang kasagutan habang umuusad ang pagtalakay. Ang guro ang magpapakilala ng paksa at tatalakayin sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation matapos nito ay magkakaroon ng tanong-sagot sa klase, magkakaroon ng maikling pagsasanay sa pamamagitan ng NEO LMS na ginagamit ng paaralan. magbibigay ng konklusyon at replektibong pagsasanay upang masagutan ang mahalagang tanong na ibinigay ng guro sa umpisa ng klase. Sa kahulihan ay magbibigay ang guro ng takdang-aralin. Magpagamit ng diksyunaryo o online dictionary sa mga mag-aaral na hirap sa wikang Filipino at laging handa ang guro sa pagsagot ng mga katanungan.
U-Utilize Media and Materials ( Paggamit ng midya at kagamitan)
-Sa pagbabalik-aral ay gagamit ng KWL chart, pasagutan lamang ang dalawang unang bahagi at hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng ilan sa kanilang sagot

-Sa pagganyak ay ipapakita sa powerpoint presentation o Google slide na paisa-isa ang mga icons ng social media, huhulaan ito ng mga mag-aaral sa paraang ito malalaman ng guro ang istatus ng kaalaman ng mga mag-aaral sa social media, lahat ng mag-aaral ay may social media

-Sa Pagtalakay ay iisa-isahin ng guro ang depenisyon ng kulturang popular, kakanyahan at mga uri nito, mga imahe at akdang makasining na nabubuo na ang ilan ay nagiging bahagi ng kulturang popular sa pamamagitan ng mass at social media. Magbibigay ang guro ng mga ispisipikong halimbawa. Ilalahad ito sa pamamagitan ng Powerpoint at Powtoon na inihanda.
-Sa Pagsasanay ay bubuo ng Tektula ang mga mag-aaral bilang bahagi ng kaalaman nila sa aralin i-post sa gamit ng LMS ng paaralan na NEO dito na rin mag-tsek ang guro. May mga tablet na abeylabol sa bawat klasrum kung nakalimutang magbitbit ng mag-aaral ng personal ng celfon.

-Ang replektibong Konklusyon patungkol sa Mahalagang tanong na ibinigay sa unahan ay ipapasok sa DISCUSSION THREAD sa NEO na itsurang Blog ang magiging porma
*Tandaan na maraming mag-aaral na hindi unang wika ang Filipino kaya binibigyang permiso ng guro ang paggamit ng diksyunaryo o online dictionary sa kanilang gadget, maging ang pagsagot ng mga konseptong hirap intindihin ng mga mag-aaral.
R-Require Learner Response (Pakikibahagi ng Mag-aaral)
- Sinisigurado ng guro na ang mga mag-aaral ay magiging malaya sa pagkikibahagi sa klase sa pamamagitan ng malayang talakayan at Tanong-sagot na istilo, malaking tulong ang Discussion sa loob ng NEO LMS upang makapagpahayag ng pasulat na pakikibahagi ang mga mag-aaral sa pagtalakay. Hahayaan ng guro ang ilang hiram na salita sa pakikibahagi ng mag-aaral sa pagtalakay dahil marami ang nanatiling nangangapa pa rin sa pagsasalita at pagsusulat ng wikang Filipino
E-Evaluate and Revise (Ebalwasyon at Pagrebisa)
-Napakahirap maging perpekto ang isang talakayan kahit matagal ng guro ay may mga kahinaan pa ring maaring matagpuan. Sa ganito ay maaring gumamit ang guro ng personal recorder ng kanyang paraan ng patlakay sa araw na iyon maari ring gamitin ang mentimeter.com upang malaman ang opinyon ng mag-aaral kung naging mabunga ang naganap na pagtalakay sa araw na iyon.
