Noong nakapagtrabaho ako bilang propesor sa isang Unibersidad na may sapat na mga kagamitan sa loob ng klasrum tulad ng laptop, telebisyon at projector ay nagsimula na akong gumamit ng mga powerpoint presentation sa aking pagtuturo. Iniiwasan kong maglagay ng maraming salita/pangungusap sa aking powerpoint dahil kolehiyo ang aking tinuturo mas gusto kong maipaliwanag sa pasalitang pamamaraan ang aming liksyon, iniiwasan ko rin na hindi sila makikinig kung lahat ay nakalagay na sa powerpoint presentation lalo na ang asignatura ay komunikasyon sa Filipino na kailngan ng 5 makrong kasanayan (Pakikinig, Pagsasalita, Pagbabasa, Pagsusulat at Panonood)
Base sa ASSURE na pamantayan ang pagbuo ko ng mga powerpoint presentation, dahil nasa kolehiyo at mas malawak na ang atensyon span ng aking mga mag-aaral kaya hindi rin gaanong kakulay at karaming larawan ang inilalagay ko. Mahalaga ring nililinaw ko ang target na layunin bago mag-umpisa ang pagtalakay, isinasama ko ito sa powerpoint. Ito ang isa sa aking maikling Powerpoint Presentation na patungkol sa Barayti ng Wika. Binabago-bago ko ito depende sa mga napapanahong personalidad at isyu halimbawa sa ngayon imbis ng Pangulong Gloria na Idyolek, Pangulong Duterte na ang halimbawa.















