Aktibidad 2 sa Modyul 7

Kasama sa itinuturo ko ay ang Komunikasyon sa Filipino, karamihan ng aking mag-aaral ay malikhain/masining dahil ang strand nila ay Multimedia kaya gamit ang ASSURE tinitiyak kong magiging kaakit-akit ang pagbuo namin ng modelo sa klase upang mailabas rin nila ang kanilang mga talento. Ang pinakamalikhaing modelo ng komunikasyon ay inilalagay sa teacher’s desk.

Ilan lamang ito sa mga naitabi kong modelo bg komunkasyon na ginagamit sa aking klase sa asignaturang Komunikasyon sa Filipino.

Ito ay modelo ng Komunikasyon ni Shannon at Weaver kung saan makikita na maraming maaring uri ng Noise at paggamit ng mga teknikal sa daluyan
Ito naman ang modelo ginagamit namin kapag modelo ng Komunikasyon ng Wilbur Schramm kung saan maaring magiba ang kahulugan ng mensaheng ipinasa sa tagatanggap sa iba’t ibang aspekto.

Naiwanan ko sa klasrum ang modelo ni Frank Dance, Binuo ko iyon sa pamamagitan ng alambre na nakapulupot pataas na nangangahulugan na ang komunikasyon ay nagpapatuloy at hindi linyar.

Modelo ng Komunikasyon

Mahalaga na sa tulong ng mga modelo ay natutulungan natin ang ating mga mag-aaral na maunawaan ang paksa lalo na yung mga paksang may kahirapan sa konsepto at proseso.

Published by rheneerosegonzaleslim

Teacher, student, consultant, curriculum developer, author

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started