Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
Kasama sa itinuturo ko ay ang Komunikasyon sa Filipino, karamihan ng aking mag-aaral ay malikhain/masining dahil ang strand nila ay Multimedia kaya gamit ang ASSURE tinitiyak kong magiging kaakit-akit ang pagbuo namin ng modelo sa klase upang mailabas rin nila ang kanilang mga talento. Ang pinakamalikhaing modelo ng komunikasyon ay inilalagay sa teacher’s desk.
Ilan lamang ito sa mga naitabi kong modelo bg komunkasyon na ginagamit sa aking klase sa asignaturang Komunikasyon sa Filipino.


Naiwanan ko sa klasrum ang modelo ni Frank Dance, Binuo ko iyon sa pamamagitan ng alambre na nakapulupot pataas na nangangahulugan na ang komunikasyon ay nagpapatuloy at hindi linyar.

Mahalaga na sa tulong ng mga modelo ay natutulungan natin ang ating mga mag-aaral na maunawaan ang paksa lalo na yung mga paksang may kahirapan sa konsepto at proseso.
Una sa lahat masaya ako dahil nakarating ako sa huling kabanata ng pagkatuto sa ating asignatura. Marami po akong natutunan sa ating klase lalo na sa pagbibigay ng konsiderasyon sa uri/background ng mga estudyante sa pagpili ng gagamiting kagamitan sa pagtuturo. Malaki ang naitulong ng nalaman ko ang ASSURE na mahalagang ihanay ang patutunguhan ng liksyon sa mag-aaral at layunin ng pag-aaral. Patuloy ang rebyu at ebalwasyon ng liksyon at kagamitang magagamit upang mas mapagtibay at maging epektibo ang magiging pagtuturo.
Nakita ko rin na may iba’t ibang paraan na maaring gamitin upang magamit sa pagtuturo tulad ng mga Print materials, display, models, projected at non-projected materials. Magagamit ko ang natutunan ko sa aking pagtuturo lalo na sa mga non-projected kasi bilang guro napahirap gumawa ng mga non-projected materials, matrabaho pero dahil sa klaseng ito nakita ko ang kahalagahan na mas nakakatipid sa oras, mas nahahawakan/nararanasan at bawas sa problemang teknikal sa paggamit nito. Sa paraan ng Discussion Forum at mga entri sa E-Journal ay natuto rin ako sa aking mga kamag-aral kung anu-anong instruksyunal na kagamitan ang kanilang hinagamit sa pagtuturo na maari ko ring mailapat sa aking pagtuturo
Sa kabuuan ito po ang link ng aking nagawang mga e-journal sa buong semestre sa ating klase:
Maraming salamat po
Noong nakapagtrabaho ako bilang propesor sa isang Unibersidad na may sapat na mga kagamitan sa loob ng klasrum tulad ng laptop, telebisyon at projector ay nagsimula na akong gumamit ng mga powerpoint presentation sa aking pagtuturo. Iniiwasan kong maglagay ng maraming salita/pangungusap sa aking powerpoint dahil kolehiyo ang aking tinuturo mas gusto kong maipaliwanag sa pasalitang pamamaraan ang aming liksyon, iniiwasan ko rin na hindi sila makikinig kung lahat ay nakalagay na sa powerpoint presentation lalo na ang asignatura ay komunikasyon sa Filipino na kailngan ng 5 makrong kasanayan (Pakikinig, Pagsasalita, Pagbabasa, Pagsusulat at Panonood)
Base sa ASSURE na pamantayan ang pagbuo ko ng mga powerpoint presentation, dahil nasa kolehiyo at mas malawak na ang atensyon span ng aking mga mag-aaral kaya hindi rin gaanong kakulay at karaming larawan ang inilalagay ko. Mahalaga ring nililinaw ko ang target na layunin bago mag-umpisa ang pagtalakay, isinasama ko ito sa powerpoint. Ito ang isa sa aking maikling Powerpoint Presentation na patungkol sa Barayti ng Wika. Binabago-bago ko ito depende sa mga napapanahong personalidad at isyu halimbawa sa ngayon imbis ng Pangulong Gloria na Idyolek, Pangulong Duterte na ang halimbawa.















Nais kong ibahagi ang aking karanasan noong ako ay nasa unang taon ng pagtuturo, asignaturang Filipino para sa mga dayuhan ang aking itinuro at noon ay hindi pa naman gaano kagamitin ang projector o laptop sa loob ng klasrum, wala pa akong laptop at tanging whiteboard lamang at mga upuan ang makikita sa aming klasrum noon. Kaya madalas kong gamitin ang mga non-projected materials. Batay sa ASSURE na modelo ay mahalagang makilala mo ang uri ng mga mag-aaral at sa danas ko noon ay puro Koreano at Hapones ang aking mga mag-aaral, masasabi na zero knowledge sila sa wikang Filipino (Tagalog ito tawagin ng mga dayuhan kong mag-aaral), mahirap makuha ang kanilang atensyon at kung makukuha ito ay napakabilis silang antukin kaya mahalaga na laging may dalang visual materials. Isa dito ay ang paggamit ko ng flashcards, ang mga flashcards ko ay may nakalagay na wastong bigkas sa bagay at may kasama pang larawan. Kadalasan ginagawa ko itong Drill sa mga mag-aaral kong dayuhan tuwing umaga Umang paghasa na rin sa kanilang dila sa pagbigkas. Maliit lang ang klasrum at ang bawat klase ng Filipino para sa dayuhan ay nasa 9-15 mag-aaral lamang kaya hindi na kailangan ng malalaking flashcard para mabasa nila ito.


Gumagamit rin ako ng mga poster at maiikling comic strip na ako ang gumawa para sa aktibidad sa pagbasa at pagpapalawak ng bokabularyo ng mga dayuhang mag-aaral na isa sa mga pangunahing layunin sa pag-aaral nila ng asignaturang Filipino.
Masasabi kong napakahalaga ng mga non-projected materials na ito para sa pagkatuto dahil mas flexible itong bitbitin, walang teknikal na problemang maaring mangyari, maaring gamitin sa klase na hindi nakauubos ng oras hindi tulad ng projector/laptop na kailangan ay ihanda na bago pa man magsimula ang oras ng klase upang di makaubos ng oras na nakatalaga sa pag-aaral.
Sa aking danas napakalaki na naging tulong ng mga non-projected materials sa aking pagiging guro, naiayon ko ito sa uri ng mag-aaral na aking naturuan.
Pumili na lamang ng tatlong pahina sa nabuong kong modyul na may 21 pahina. Ang imprinta nito ay ginamit sa aking klase sa asignaturang Filipino sa pribadong paaralan sa Makati. Makikita na binigyan pansin ko ang uri ng aking mag-aaral na lahat ay nasa strand ng Sining kaya kailangan maging makulay ang modyul na imprenta o maari i-download ng aking mag-aaral sa website ng aming paaralan. Binigyang konsiderasyon ko rin ang kasalukuyang pangyayari kaya ikinonteksto ko ito sa karanasan nila sa pandemyang COVID19, malinaw ko ring inilahad sa unahan ang layunin ng aming aralin, binigyan highlight rin ang mahalagang salita at pinaikli ang mahahabang talakay, simple lamang ang ginamit na mga salitang madaling intindihin ng babasa at sa dulo bilang gawain dahil sila ay may malaking interes sa Sining ay pinagawa ko ng Digital poster kalakip ang layunin ng pag-aaral na panghihikayat sa pamamagitan ng pagbubuo ng Poster/Islogan na naka-angkla pa rin sa pagkakaisa sa gitna ng pandemya. May mga binigay na gawain na makahihimok sa mga mag-aaral na mag-isip at hindi rin nakalimutan na ilagay ang pinaghanguan ng kaalaman/detalye sa aking ginawang modyul.
Masasabi kong nagustuhan ng mga mag–aaral ang aking modyul dahil nagbigay ng sarbey ang aming paaralan para sa mga mag-aaral kung mahusay ba ang modyul na ginawa ng mga guro at nakatutuwa naman na napakataas ang nakuha ng modyul na ito dala ang konseptong ASSURE ay maari ko itong ebisahin ng pauulit-ulit kung may kahinaang makita base sa nagiging sarbey ng mga mag-aaral



Nakatutuwang napapagana nating guro ang pagiging maalaman at malikhain sa pagbuo ng iba’t ibang kagamitan sa pagkatuto para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.
Paksang Aralin : Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Sining at Disenyo ( Wika sa Kulturang Popular)

Antas: Baitang 12
Haba ng Pagtalakay: 90 minuto
A- Analyze Learners Characteristic(Pag-aanalisa sa mga Mag-aaral)
S- State Objective (Paglalahad ng layunin sa Pag-aaral)
Layunin:
S-Select,Modify or Design Materials ( Pagpili ng wastong estratehiya, midya at Kagamitan sa Pagtuturo)
U-Utilize Media and Materials ( Paggamit ng midya at kagamitan)
-Sa pagbabalik-aral ay gagamit ng KWL chart, pasagutan lamang ang dalawang unang bahagi at hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng ilan sa kanilang sagot

-Sa pagganyak ay ipapakita sa powerpoint presentation o Google slide na paisa-isa ang mga icons ng social media, huhulaan ito ng mga mag-aaral sa paraang ito malalaman ng guro ang istatus ng kaalaman ng mga mag-aaral sa social media, lahat ng mag-aaral ay may social media

-Sa Pagtalakay ay iisa-isahin ng guro ang depenisyon ng kulturang popular, kakanyahan at mga uri nito, mga imahe at akdang makasining na nabubuo na ang ilan ay nagiging bahagi ng kulturang popular sa pamamagitan ng mass at social media. Magbibigay ang guro ng mga ispisipikong halimbawa. Ilalahad ito sa pamamagitan ng Powerpoint at Powtoon na inihanda.
-Sa Pagsasanay ay bubuo ng Tektula ang mga mag-aaral bilang bahagi ng kaalaman nila sa aralin i-post sa gamit ng LMS ng paaralan na NEO dito na rin mag-tsek ang guro. May mga tablet na abeylabol sa bawat klasrum kung nakalimutang magbitbit ng mag-aaral ng personal ng celfon.

-Ang replektibong Konklusyon patungkol sa Mahalagang tanong na ibinigay sa unahan ay ipapasok sa DISCUSSION THREAD sa NEO na itsurang Blog ang magiging porma
*Tandaan na maraming mag-aaral na hindi unang wika ang Filipino kaya binibigyang permiso ng guro ang paggamit ng diksyunaryo o online dictionary sa kanilang gadget, maging ang pagsagot ng mga konseptong hirap intindihin ng mga mag-aaral.
R-Require Learner Response (Pakikibahagi ng Mag-aaral)
E-Evaluate and Revise (Ebalwasyon at Pagrebisa)
-Napakahirap maging perpekto ang isang talakayan kahit matagal ng guro ay may mga kahinaan pa ring maaring matagpuan. Sa ganito ay maaring gumamit ang guro ng personal recorder ng kanyang paraan ng patlakay sa araw na iyon maari ring gamitin ang mentimeter.com upang malaman ang opinyon ng mag-aaral kung naging mabunga ang naganap na pagtalakay sa araw na iyon.

Nabanggit ni Romiszowski (1997) na mga aspetong nakaiimpluwensya sa pamimili ng kagamitang pampagtuturo una ang layunin sa aralin, sumunod ang uri ng mag-aaral at ikatlo kung abeylabol ang paghahanguan. Bilang isang guro naisip ko na maraming pagkakataon na naging makasarili sa ilang mga aktibidad na pinagawa sa mga dating naging mag-aaral. Una kasi sa akin ang pagtugma ng layunin at inaasahang resulta sa pipiliin kong kagamitang pampagtuturo ngunit minsan nakalilimutan ko ang dalawang aspeto na binanggit ni Romizowki. Madalas kasi akong magpaggamit ng mga gadget at iba pang elektronikong kagamitan bilang bahagi ng aking pagtuturo, sa paraang ito ay nakikita ko na nagiging handa ang aking mga mag-aaral hindi lang sa aking liksyon kundi sa kaalamang teknikal. Kasalukuyan akong nagtuturo sa kolehiyo na napakamakabago sa larangan ng teknolohiya at suportado ang mga guro sa iba pang kagamitang pampagtuturo kaya malaya ako na makagamit ng mga ito, kaya kapag may mag-aaral na nagsabi sa akin “Mam wala po ako access sa MS application” “Mam hindi po ako marunong ng GoogleDrive” ” Mam wala po kasi kami ganyan sa probinsya” Hindi ako makapaniwala at sa tingin ko ay gumagawa lamang sila ng dahilan upang hindi makasumite ng mga pangangailangan sa kurso.
Matapos ko basahin ang liksyon sa ating aralin namulat ako na tama nga ang edukasyon ay para sa lahat may gadget man sya o hindi man alam ng mag-aaral ang teknolohiya bilang guro tayo ang nararapat umisip ng paraan upang makasali sya sa pag-alam at pagtuklas ng bagong karunungan. Naalala ko bigla noong ako ay nag-aaral sa UP Diliman sa aking batsilyer na kurso, panahon na nawalan ng trabaho ang aking ama sa kompanya sabi ng propesor ko ay kailangan namin magpresenta ng powerpoint bilang pagtugon sa takdang-aralin, wala akong pambayad sa computershop kaya ang ginagawa ko lahat ng detalye ay hinahanap ko sa aklatan. Imbis na powerpoint ay mga lumang Manila paper ang gamit ko, yung likod ang sinusulatan ko, imbis na magbigay ako ng handouts na printed at compuuterized sa mga kaklase at guro ko ay tyinaga kong isulat sa malinis na papel at ipa-photocopy na lamang ng marami upang makatipid. Pamasahe lang kasi ang dala ko noon. Dahil sa aralin nating ito bumalik sa aking alaala ang lahat ng ito. Mahirap maging mahirap lalo kapag nag-aaral ka at inaamin kong nakalilimutan ko ito ngayong guro na ako.
Sana sa ngayong isyu ng distant learning ay hindi malimutan ng mga namumuno sa DEPED ang konsiderasyon sa mga mag-aaral na walang access sa mga kagamitang pagkatuto. Isama natin sila, isa para sa lahat, lahat para sa isa. Sabay-sabay na pagkatuto, Ito ay karapatan ng bawat isa.

Puno ng pangamba at alinlangan ang gmga magulang, estudyante at maging ang mga ibang guro sa darating na apsukan sa Agosto, hindi maikakaila na maraming bumabatikos sa DEPED sa pagsusulong na buksan ang klase sa darating na Agosto. Sabi nga ni Congressman Gatchalian”Handa na ba? kundi handa ay huwag ituloy”. Matatandaan na aprubado ng Pangulong Duterte ang pagpapatuloy ng klase na hindi face to face learning. Kaya malaking hamon ito sa DEPED na masiguradong wasto ang tatahakin ng edukasyon ngayong taon.
Mabuti na naisaayos at nairebisa ng DEPED ang kurikulum at naiwan na lamang ang pinakamahahalagang layunin at Kompetensi sa kurikulum bilang guro nagustuhan ko ito dahil mas pinasimple and dating komplikadong mga kompetensi, mas kaunti ang paksa at mas madaling matapos na hindi gugumol ng malaking oras. Dahil mas kaunti ang kompetensi at paksa ay mas makakapagpokus ang guro sa pagbuo ng modyul at magbuo ng mga kagamitang pagtuturo. Mas mabibigyan ng panahon ang mga gurong maghanap ng relayable/maasahan at mga wastong impormasyon na makikita sa internet at makagawa ng modyul para sa mga mag-aaral na walang internet o gadget sa bahay.
Kung may nararapat na tanungin ng”handa ka na ba?”ay ang mga guro, napakarami ng nakaatang na responsibilidad ngayon ng bawat guro. Isipin natin na ang isang gurong pampubliko ay hahawak ng 300-400 na mag-aaral sa regular na klase ganun rin ang dami ng tuturuan nila sa distance learning? Ako bigla ako napaisip kung kakayanin ko dahil sa kasalukuyan ay may aplikasyon ako sa pampublikong paaralan at naghihintay na lamang ng pagpapasa ng mga requirements. Kaya ko bang magturo online kasabay ng pagbibigay ko ng modyuls sa bawat bahay ng mga mag-aaral kapag ang magulang ay hindi kayang gabayan sa pag-aaral ng kanilang anak ayon sa DEPED guro ang mag-tutor sa bata, sa dami ng mga mag-aaral na iikutan ng guro makakaya kaya ito? Sa totoo lang bigla ako napaisip kung handa na ba ako? mukhang hindi pa lalo na ay tila inaatang na lamang ng DEPED sa mga guro ang buong responsibilidad. Kahit may malaking pagmamahal sa pagtuturo ay tao rin naman ang mga guro na napapagod ang katawan. Sana ay mabigyan ng wastong kalinga rin ang mga guro na mula sa gobyerno.

Ang guro ay nararapat maalam sa asignaturang kanyang itinuturo ngunit sa panahon ngayon hindi na lamang sasapat iyan kundi nararapat na maging maalam at malikhain ang giro sa pag-iisip kung paano niya maipapahayag at matuturuan ang kanyang mga mag-aaral sa pinakamabisang paraan lalo na sa henerasyon ngayon na ang mga bata ay halos ipinanganak na katabi ang mga gadget sa kanilang mga katawan. Sa ganitong sitwasyon ang matalinong guro ay nararapat mag-isip ng istratehiya kung paano mas magiging praktikal ang pagtuturo- pagkatuto ng mga mag-aaral na hindi nalalayo sa kanilang karanasan sa henerasyon. Sa panahon ngayon nararapat na bang baliwalain ang mga tradisyunal na kagamitan sa pagtuturo?
Natutunan ko sa liksyon na hindi usapin ng tradisyunal o makabagong midyum ito ng pagtuturo. Tradisyunal man o makabago ay nararapat isipin ng matalinong guro kung paano ito magagamit sa wasto at epektibong paraan na nakasalalay sa layunin ng pagkatuto sa asignatura. Alalahanin na ang mga kagamitang pampagtuturo ay paraan/istratehiya lamang upang mapadali ang pagkakaunawa sa liksyon ngunit ang magiging gabay pa rin tungo sa layuning pagkatuto ay ang guro na hindi mapapalitan ng kahit anumang kagamitan(naka-print, audio, viswal atpb.)
Ang pagiging guro ay walang limitasyon kung anumang materyales ang nararapat nyang gamitin. gagamitin nya ang anumang kagamitan na makatutulong sa kanyang makakonekta sa kanyang mga mag-aaral. Tsalk man o paggamit ng Google slides. Inaalaman ng guro ang uri ng mga mag-aaral sa pamamagitan nito makapipili sya ng pinakaangkop na kagamitan sa pampagtuturo. Halimbawa, kung ang mga mag-aaral mo ay hindi pa gaanong gamay ang paggamit ng padlet.com ay hindi ito maaring ipilit bagkus maaring gumamit na muna ng panulat at papel.
Kaya kasama sa pagiging guro ang pagpapa-unlad ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagkatuto upang maraming mapagpiliian at maging opsyon.

Malaki ang ginagampanan ng kagamitang pagkatuto upang maging epektibo ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga estudyante. Mahalagang pinaplano ng guro kung paano niya magagamit sa pinakamabisang paraan ang mga kagamitang ito. Mahalaga ring siguraduhin ang layunin ng paksa at kurikulum, inaasahang resulta, mag-isip ng istratehiya kung paano ito maituturo at isipin kung anong kagamitan ang maaring gamitin.
Sa paksa natin sa asignaturang ito ay binigyang diin ng napakaraming instruksyunal na kagamitan na maaring gamitin tulad ng naka-print, grapiko, audio, mga larawan, telebisyon, video, internet, kompyuter at iba pa. Maraming Pilipinong guro ang inobatibo sa paraan ng kanilang pagtuturo at nahahabi ng husto ang pagkatuto ng mag-aaral gamit. Nararapat na kilala ng guro ang pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral o kung anong uri ng mag-aaral ang mga ito, sa panahon natin ngayon maraming mga mag-aaral ang yumayakap sa teknolohiya kaya mabisa itong gamitin upang makuha ang atensyon, makatipid ng oras at mas maintindihan ang mahihirap na konsepto sa aralin.
Sa aking danas bilang guro, lagi kong iniisip ano ba ang uso ngayon? ano ba yung pamamaraan na mas maiintindihan ako ng henerasyon ng aking mga mag-aaral kaya hindi lamang tayo magpatali sa isa , dalawa o tatlong instruksyunal na kagamitan kundi maging malikhain sa pag-iisip kung paano ang mga kagamitan ito ay makatutulong upang makamit ang inaasahang resulta sa kaalaman ng ating mga mag-aaral.
Dapat alalahanin na bilang guro ay may higit tayong responsibilidad sa ating mga mag-aaral na sila ay matuto at mahasa ang kaalaman. Nararapat maging inobatibong guro sa lahat ng oras.