Mula NOON hanggang NGAYON

Pagninilay-nilay sa behaviorist theory….

Interesante, konektable, pantao… yan ang tatlong salita na naisip ko matapos na maunawaan ko ang talakayan patungkol sa beheviorist theory, maaring may mga limitasyon ngunit ang mahalaga ay nakatutulong, nagagawa at nakapagpapaunawa kung sino nga ba tayo. Hindi ko kayo kilala personal at mahirap bumuo ng isang repleksyon patungkol sa ibang tao. Sa makatuwid ito ay repleksyon ko batay sa aking nauwaan at na napagtanto patungkol sa aking sarili.

Masasabi ko na lumaki ako at naging matino naman sa pamamabitan ng Operant conditioning na ginawa ng aking mga magulang at ginawa ko sa aking sarili, sa pamamagitan man ng gantimpala o parusa.

Bata pa lang ako nakakolekta na ako ng mga Barbie, laruang bahay-bahayan at mga librong pambata. Hindi kami mayaman ngunit ito yung mga naging gantimpala ko kapag nakapapasok ako sa Top sa klase, sa dami naming mga kamag-anak kapag nalaman nila na nakapasok ako sa Top nireregaluhan nila ako ng isa sa aking mga nabanggit, tulad ng inaasahan mas ginalingan ko pa. Mas nagpursigi dahil hindi ako ipinanganak na matalino sinipagan ko rin ang pagkokondisyon sa utak ko mula elementarya hanggang matapos ko ang masterado ko ay hindi naging palpak ang operant conditioning ko sa utak. Dati kapag nagre-rebyu ako, hindi ako kakain hahayaan ko ang sarili ko apihin ko hanggang hindi ko natatapos ang pagbabasa ng tatlong libro na i-rebyu para sa aming asignatura. Madami akong dagdag trabaho(Consultant ng mahigit sa limang paaralan, manunulat, guro at mag-aaral sa UPOU) hanggang sa ngayon, kinokondisyon ko ang utak ko na matapos ang mga dapat matapos at bibigyan ko ng masarap na bakasyon sa Bikol o Ilocos ang aking sarili kasama ang aking pamilya o kaya naman ay pagkain sa mamahaling restaurant. Ganyan tumatakbo ang utak ko Operant conditioning gamit na gamit ko talaga. Ngunit minsan naaalala ko na tao din ako kahit may operant conditioning pa, napapagod ako at di ko napipigilan ang depresyon na nararanasan ko biglang lungkot at iiyak na walang dahilan. Iniisip ko ngayon buong buhay ko kinondisyon ko ang aking utak, ginawa kong komyuter na dahil sa gantimpala at parusa ay napapasunod ko. Matapos ng araling ito sana pag-aralan rin ang epekto ng operant conditioning sa emosyon ng tao, baka nga may koneksyon ang pinagdadaanan kong depresyon dahil sa napagod na akong ginawa kong robot ang aking sarili. Naisip ko naging malupit ba ako sa sarili ko? kahit pagod na pagod na ako kailangan para sa gantimpalang ibibigay ko sa sarili ko at sa aking pamilya.

Mahirap pero kakayanin, konting hinga, konting wasiwas, konting pikit at konting iyak. Iisipin ko na lang ang mga gantimpala at matatakot sa parusa tila isang bata na nakalugmok ngunit kailangang bumangon sa laban ng buhay mula noon hanggang ngayon.

Self Assessment at Peer Assessment, Paano, Gaano?

Kasama na sa buhay estudyante ang pagkakaroon ng kolaboratibong aktibidad, matapos ay maghahanda na para sa tinatawag na “Judgement day” kung saan magsasagawa ng peer at self assessment mula sa naiambag at naitulong sa bawat pangkat. Dito maghahalo-halo ang emosyon ng mga bata, dito nga sinasabing magkakalabasan ng hinanakit sa isa’t isa. Naalala ko pa noong nakadadalawang taon pa lamang ako sa pagtuturo matapos ang Pinal na proyekto ko sa aking mga estudyante sa kolehiyo ay nagsasagawa agad kami ng Peer at self assessment upang hindi malimutan ng mga estudyante ang danas nila at kung paano nila naisagawa ang proyekto. Ang estilo ko noon ay pauupuin ko paikot ang mga myembro ng bawat pangkat may papasagutan sa kanilang rubrik kung ano ang naitulog ng Kamyembro1 hanggang sa pinakadulo niyang kamyembro tulad ng mga tanong na “dumalo ba siya sa pagtitipon?” “Ilang oras ang nagugol sa ensayo?” ” Pinakamasipag na kamyembro?” at sa dulo may tanong na” Bilang myembro magbigas ng puntos sa sarili 1-10, 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas, pangatwiranan ang nabigay na puntos sa sarili” Madami pang iba’t ibang tanong akong inilalagay upang maipalabas ang katotohanan at inaasahan kong nagiging patas ako sa paraang ito.

Matapos nito may sesyon ako upang i-validate ang mga nabasa kong sagot sa kanila, harapan. Biglaan ko itong isinagagawa upang hindi makapaghanda at hindi magplano kung ano ang dapat isagot, kapag may lumabas na mababa sa pasulat tatanungi ko harapan bakit kaya siya ang matutukoy na weakest link? Oo mala WEAKEST LINK ang tema ko noon impluwensya ito na pagkahilig ko sa programang inangkat ng Channel 9 na host si Edu Manzano. Sa paraan ito nakikita ko na mas valid ang ginagawa kong self at peer assessment.

May umiiyak, may nagkakagalit, may nasisira ang pagkakaibigan. Tatanggapin ang kalakasan ng aking ginagawang assessment dahil mas nakatiyak ako na katotohanan ang kanilang sinasabi, nakikita ko rin kung paano nila nahuhusgahan ang kanilang sarili sa objetibong pamamaraan ngunit sa kabila nito masakit sa aking loob ang negatibong naging resulta nito sa aking mga estudyante. Ang iba ay mas nagkaroon ng hinanakit sa kanyang kamag-aral kahit ipinaliwawang ng guro ang layunin ng aktibidad ay hindi maiiwasan na maapektuhan ng personal na layunin ang kanilang ebalwasyon sa kamag-aral, ang iba ay nagsumbong sa magulang laban sa kapwa kamag-aral na nambagsak ng grado sa peer assessment at kung anu-ano pa.

Masasabi ko mahirap ang pagsasagawa ng isang matagumpay na Peer at Self assessment, hindi lamang ito basta-basta na kapag may nakita ka sa telebisyon ay maari ng gayahin. Ang daming maaring maapektuhan. Nararapat na ang isang guro ay ipaliwanag ng paulit-ulit at malinaw ang layunin ng pagsasagawa nito, maaring hindi ka maintindihan ng lahat ngunit kahit paano ang iilan ay maisasagawa ito ng seryoso at may malawak na pag-iisip. Istratehiya ng guro ang nararapat pairalin dahil sa bawat klase ay mas kilala natin ang ating mga mag-aaral. Kung alam mong maraming immature na mag-aaral sa klase mas bantayan mo ang pagsasagawa ng peer assessment dahil kung hindi maaring hindi maging matagumpay ang magiging resulta.

Dati at Ngayon

Repleksyon sa EDS 113 (Assessment and Alignment)

Dati takot na takot akong mag-exam, namumuo ang mga pawis, kinakabahan, mabilis ang tibok ng puso na para bang sasabak sa isang malaking bakbakan. Marinig pa lang ang “EXAM” mas malala pa ito sa isang horror film kasi sa tingin ko pinahihirapan lang kami ng mga guro.Ano ba ang makukuha nila sa paghihirap namin? hindi naman sila yayaman kung magpa-exam.

Hindi ko akalain na tatahakin ko palang landas ay ang mundo ng pagtuturo. Salamat na lang sa mahuhusay kong guro sa UP na nagpaiba ng konsepto ko na tanging pagpapahirap lamang sa mag-aaral ang dulot ng exam. Nang nasa UP ako maraming magagaling na guro, yung tipong nagpapa-exam ngunit hindi halata kasi hindi lang lagi sa papel, may laro, aktibidad at iba pa na ipinagagawa samin exam na pala iyon. Doon ako namulat na hindi lang pala nakatali ang salitang Exam sa konsepto ng isang mabalasik na Dragon kundi maari itong nakatutuwa at nakatutulong upang malaman at mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.

Dahil naniniwala ako sa konsepto ng “Pay it Forward” ang magagandang natutunan ko sa aking mga guro sa UP Diliman ang ibinaon ko sa aking mga mag-aaral. Walang dahilan upang magpahirap kundi upang magpaunlad. Bawat oryentasyon kada semestre sa aking mga klase ay una kong nililinaw ang layunin ng aking pagtataya/exam na gagawin. Sa ngayon nagiging hamon sa akin ang pagbuo ng mga exam na nakalinya sa strand/major ng aking mga mag-aaral at sa layunin ng asignaturang aking tinuturo.

Minsan rin tayong nakaranas maging mag-aaral, natakot at kinabahan, hamon sa atin na ang exam ay hindi katakutan kundi kahiligan ng mga mag-aaral, kung paano? Nasa saiyo yan kung gaano ka maglalaan ng oras at sikap sa bawat binubuo mong tanong sa iyong exam at kilalanin mo ang iyong mga mag-aaral. Bilang guro huwag sumuko na maging mahusay. Wala na yung dati, harapin ang ngayon.

Mata-Lino

Isang Repleksyon sa EDS 103 sa konsepto ng Intelligence

Sa lipunan na ating ginagalawan napakahalaga na matawag kang “May Utak” “Matalino” “Mahusay” Masasabing kong mapangMATA ang mundo para sa kategorya ng utak. Bata ka pa lang ipagmamalaki na ng iyong mga magulang kung anong bahagi ng puzzle ang iyong nasosolusyunan, ipapakabisado na sa iyo ang mga Kapital ng mga bansa at ilang salita sa iba-ibang wika, sasabihin”Matalino ang anak ko mana sa tatay”. Sa pagpasok mo sa elementarya, hayskul at kolehiyo ay kailangan makapasa sa IQ entrance exam. Ang nakalulungkot dito sa lahat ng school entrance exam na nakita ko tanging PNU at UP lamang ay may bahagi na ang panuto ay nakasulat sa wikang Filipino(Hindi ako nag-exam sa PUP kaya di ko alam) Buti na lamang MATAtalino rin tayong umintindi sa dayuhang wika-(We are trained to be a call center Agent Nation) . Kapag Magtatrabaho na mayroon pa ring exam na kailangang ipasa o paalam na sa pangrap mong trabaho.

Paano kaya kung hindi ko naiapsa ang mga ito? Si Bob na ba ako kapag bumagsak ako? Hindi na ba ako mana sa Tatay ko?

Masasabi ko masyadong mapangMATA ang mundo, masyadong hindi pantay sa hindi MATAtalinong tao. Tawaging Bob, Anga, Ungas, Mahina, T_ng_ at kung anu-ano pang kataga ang idinidikit sa hindi matatalino. Gaano pa ba kasakit ang mga salitang nararapat tiisin? Sana maging pantay ang mundo. Kung hindi naman dahil sa bayolohikal at silang nakapag-aral at silang hindi kumakalam ang sikmura ang may kapasidad maging matalino. Uunahin pa ba ang utak kaysa sa kumakalam na sikmura? Uunahin pa bang unawain ang iba-ibang teorya kaysa sa naninigas na kalamnan? Hindi lahat ng tao ay may kakayahang maging matalino, hindi lahat ng tao ay may kapasidad para dito, hindi lahat ng tao may oportunidad sa pagpapaunlad ng sarili na inasahan ng mapangmatang lipunan. Kaya … Tama na, Awat na tigilan na paghihiwalay sa Matatalino at Hindi Matatalino. Itigil na ang kategorya ng paghihiwalay ng dalawang ito dahil parehong tao yan, may utak at puso. parehong tao yan nagmamahal, nasasaktan at nangangarap. Huwag mong tignan na napakaliit niya kung hindi niya masagot ang konseptong inaasahan mo.

Habang ang mundo ay nagsasabing MATA-talino, ito ang lunsaran ng mapang-api at mapang-MATA na reyalidad na tadhana natin sa loob ng lipunan.

Assess o Assist?

Finals na! Final na naman! hay naku finals na naman….

Tuwing matatapos ang semestre, ito ang pinaghahandaan, pinagkakaabalahan at masasabing kinatatakutan ng mga estudyante. Estudyante lang ba? baka pati si teacher? Hindi lang naman ang mga estudyante ang nayayamot sa tagpo ng Finals. Ang hirap kayang gumawa ng exam! sa madaling salita nahihirapan ang estudyante at nahihirapan rin ang guro? Tignan natin.

kadalasan isang buwan bago ang iskedyul ng Final exam ay nagkukumahog ang mga gurong gumawa ng TOS (Table of Specification) ipapipirma sa Puno ng Departamento, sasang-ayunan ng Prinsipal at doon palang maaring magumpisa ang pagbuo ng mga katanungan na kinatatakutan ng mga estudyante tuwing Final Exam.

Isa, dalawa, tatlo, lima, sampu o mahigit pang araw ang nilalaan ng isang gurong tulad ko para matapos ang buong mga Pinal na pagsusulit. Antok-tiis-puyat-tiis. Ano ba ang dapat isaalang-alang naming mga guro sa pagbuo ng mga pagsusulit? Marami ! Una, tugma ba sa mga layunin ng aralin ang gagawing katanungan, ikalawa, ikonsidera rin ang uri ng pagsusulit na ibibigay at ang antas ng kahirapan nito kung sasapat ba ang ilalaang oras at ikatlo inaayon rin sa kasanayan at kapabilidad ng mga mag-aaral at kurikulum na dapat tinataglay na kaalamang matamo. Di ba hindi madaling gumawa ng exam? Quiz, Prelim, Midterm o Final man yan. Mahirap ngunit tuloy-tuloy pa rin dahil ito yung buhay na pinili ng guro, ito yung sinumpaan na responsibilidad sa bayan, ito yung dahil may pangarap kami para sa aming mga mag-aaral na sususnod na magmamana ng mundo!

Bago ka magalit sa guro mo dahil nahirapan ka sa pagsusulit, tignan mo muna ang iyong sarili, siyasatin baka ikaw ang may pagkukulang? Bago ka nahirapan, mas nahirapan ang gurong minura-mura mo patalikod. Na kahit pasado o bagsak ang iyong resulta itatala nya yan sa iyong rekord. Hindi lang tintang itim o pula ang puhunan ng mga guro kundi dedikasyon na kadalasan ay binabalewala ng lipunang inaalayan nya ng lahat.

Sana hindi lang basta assess ang ang isang assessment sana may assist rin o suportang nakukuha ang guro sa kanyang mga kabaro sa edukasyon lalo na sa mga nakaupo sa upuang tinitingala.

Aba!N22 pala ako..

Naalala ko una akong natutong magbasa sa pamamagitan ng Komiks na pinarerentahan ng kapitbahay namin, na matiyagang binabasa sa aking ng kapatid ko, naging pamilyar sa akin ang mga letra at bigkas ng bawat isa. Natuto akong gumuhit ang maliliit kong kamay dahil tinuruan ako ng nanay ko kung ano ba ang dapat hugis ng mukha ng tao kapag nakatagilid. Natuto akong maging matapang dahil sa tatay ko, natatandaan ko bawal ako umuwing umiiyak kapag may kaaway ako o ako ang inapi. Kahit nasasaktan ako dati natuto akong hindi umiyak sa harap ng ibang tao. Natuto akong maging matiyaga at humaba ang pasensya dahil sa mahigit sampung taon sa pagiging guro. Ano ba ang dapat ko pang matutunan sa buhay? natuto ba talaga ako? Kayo kailang kayo natuto?

Hanggang saan ba kailangan matuto ng tao? nabuhay ba talaga tayo para matuto? pasunurin ng mundo kung ano ang dapat at hindi dapat gawin? Gusto ba talaga natin matuto o dahil wala kang magagawa kasi kasama na ito sa buhay mo? Bukod ito sa usapin sa EDS 103 na Unlearned di mo naman kailangan kabisaduhin, nasa sarili mo ito sabi “within, instinct” (Kapag nagutom ka kakain ka, kapag napuwing ka mapapipikit ka etc) Ang tinutukoy ko ay yung “learned” yung natutunan mo sa paligid mo, sa kapwa mo sa buong lipunan na ginagalawan mo. hanggang saan ba ang kaya mong matutunan. Hindi mo ba naisip na punong-puno na yung utak mo na kapag tinanong ka ng guro mo bakit ka nandito sasagot mo yung inaasahang sagot ng edukadong tao ” Kasi I love learning po” pero yung salitang Love alam mo ba yun na kapag sinabi mong I love , yung hindi ka napapagod, yung tumatanggap ka ng kahinaan hindi lang kalakasan mo, kapag sinabi mong i love learning hindi dahil sa kailangan mo kundi gusto mo, tinitibok ng puso mo. Hindi ka pa ba pagod? hindi pa ba ako pagod? ang daming ekspektasyon ng mundo di ba?

Iniisip ko minsan tama sa Paulo Freire (Pampalumbag loob ko kapag napapagod ako sa mundo)”Pedagogy of the Oppressed” Sa isang banda, pinagagalaw tayo ng sistema. Ang buhay ng isang edukadong tao o nanganagarap maging edukado ay gulong. Paulit-ulit parang ulam sa refrigerator na pwedeng init-initin. Bakit? Mula pagkabata, hindi pa pumapasok sa paaralan may iba na satin kinakantahan ng mga nanay natin sa loob ng sinapupunan para daw kapag lumabas ang bata maging matalino, madaling matuto. kapag nag-aral tayo sa primarya pagpasok mo nakalagay agad NO ID, NO ENTRY bago ka turuan ng ABAKADA natutunan muna ang dapat iasal. Magpapatuloy yan hanggang sekondarya at Tersyarya. mag-aaral ng mga konsepto, iintindihin ang gamit, matututo ng mga bagay na dapat alamin, Siyensya, Matematika, Kultura Atbp. Maaring matawag na mangmang kapag hindi ka nasunod sa tawag ng pagkatuto. Para ba kanino? Masaya ka ba? Matalino ka na, The best ka, very good, excellent, topnotcher, summa Cum Laude Etc. Masaya ka na ba? sabi magaling ka bakit di ka pa masaya? Mga katagang pinapaikot at umuuto satin upang paghusayan pa, lahat naman pinaikot ng lipunan. Magiging empleyado ka rin? lahat ng natutunan mo gagamitin lang ng ibang gahaman sa salapi upang mas umunlad kanilang negosyo? para ba sa kanila pagsisikap ko? pinasusunod tayo ng mundo. E kung hindi ako sumunod sa mundo? Masama ka, taksil, bobo, mangmang, walang pag-asa, black sheep, barubal etc.

Matuto ka hindi para kay Boss, matuto ka hindi para pumasa at matuwa ang guro mo sayo. Matuto ka kasi tinototoo natin yung sinabing “I LOVE LEARNING” Kapag mahal mo hindi ka mapapagod. Matuto ka kasabay ng paghinga mo hindi dahil dinidikta ng lipunan mo, matuto ka hindi dahil takot ka harapin ang mga negatibong kataga sayo.. Saluhin mo (Catch-baseball) ipasa mo, i-dribble mo pa, i-enjoy. Isipin nating sabay-sabay hindi tayo api, ang pagkatuto ay paglaya, ang pagkatuto ay hindi usapin ng ikaw, ang pagkatuto ay usapin ng SILA… para sa sususnod na henerasyon na kahit ano pa ang antas mo sa buhay may maipapasa ka sa susunod na henerasyon. Aba N22 na ko! Ikaw N22 ka ba?

Pagtataya/Assessment

Blog na tumutugon sa pangangailangan sa EDS 113

” Grabe ang hirap ng exam puro identification at fill in the blanks ! hay naku bagsak na naman ako…Pasado ka ba? “

Nakaranas ka na ba na wala kang masagot sa exam ng guro mo? dahil di ka nakagawa ng reviewer na nakalista ang mga importanteng termino na tila mas mahaba pa listahan ng utang ng kapitbahay nyo? Iiyak ka na lang at hihilingin matapos na ang oras ng exam dahil wala kang masagot. Pumasa ka ba?

Karaniwan na kapag bumagsak sa isang pagsusulit, ang sisihin ay ang sarili dahil hindi nag-aral? o iba ang pinag-aralan? baka naman puro tanong na “Ano, Sino, Saan” ang nasa pagsusulit na kapag hindi kabisote/magaling magkabisado ang bata tiyak na babagsak. Sa ganung paraan na lamang ba natin sinusukat ang kakayahan at natutunan ng mga mag-aaral? ito ba ay magagamit nila sa mga susunod na panahon? Sa ganitong punto isipin na maaring mali o hindi mahusay ang pagkakabuo ng isang pagsusulit.

Sa danas ko bilang guro sa wikang Filipino ay iniiwasan ko ang pagbibigay lamang ng mga tanong sa pagsusulit na susubok lamang sa husay sa pagmemorya, bagkus naglalagay ako ng mga tanong na”Paano, Bakit, Kung ikaw ang, Ipakita sa pamamagitan,Ipaliwanag, limihin” bukod sa mga tanong na “sino, ano at saan”

Sa panahon ngayon, masasabi kong matatalino ang mga bata, mas maalam sila sa teknolohiya kaya gumagamit rin ako ng mga pamamaraan na mananabik sila katulad ng paggamit ng kahoot.com, mentmeter.com at iba pang aplikasyon sa kompyuter.

Nararapat na tandaan na ang mga pagtatayang itong ay kagamitan sa pagkatuto at hindi magpahirap sa mga mag-aaral o gawan sila ng trauma. Mas makabubuti kung huwag tayong magpatali sa isang uri ng pagtataya, kung maari ay maging malikhain at paglaanan ng panahon ang pagbuo sa mga ito.

Katangian ng isang mahusay na guro ang hindi lamang magaling magsalita o magaling sa asignaturang tinuturo, kasama rin sa kakayahan ng isang guro na tiyakin na nasa tamang bahagdan ng karunungan ang kanyang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagtataya.

Tandaan huwag lamang gumamit ng knowledge type ng exam. Gumamit ng application , evaluation, synthesis type of exam upang makabuo tayo ng susunod na henerasyon na lohikal at kritikal mag-isip.

Responsibilidad ng guro na palaguin ang kanyang sarili lalo na ang kanyang kakayahang makabuo ng makabuluhang mga uri ng pagtataya na aayon sa pangangailangan ng kasalukuyan at pakikinabangan ng lipunan. Hamon ito sa bawat guro na pagsumikapan ang pagbuo ng pagtataya. Tanungin natin ang ating sarili pumasa ba ang mga estudyante sa pagsusulit o ang pagsusulit na iyong ginawa ang hindi pumasa bilang mahusay na pagtataya?

Introduce Yourself (Example Post)

This is an example post, originally published as part of Blogging University. Enroll in one of our ten programs, and start your blog right.

You’re going to publish a post today. Don’t worry about how your blog looks. Don’t worry if you haven’t given it a name yet, or you’re feeling overwhelmed. Just click the “New Post” button, and tell us why you’re here.

Why do this?

  • Because it gives new readers context. What are you about? Why should they read your blog?
  • Because it will help you focus you own ideas about your blog and what you’d like to do with it.

The post can be short or long, a personal intro to your life or a bloggy mission statement, a manifesto for the future or a simple outline of your the types of things you hope to publish.

To help you get started, here are a few questions:

  • Why are you blogging publicly, rather than keeping a personal journal?
  • What topics do you think you’ll write about?
  • Who would you love to connect with via your blog?
  • If you blog successfully throughout the next year, what would you hope to have accomplished?

You’re not locked into any of this; one of the wonderful things about blogs is how they constantly evolve as we learn, grow, and interact with one another — but it’s good to know where and why you started, and articulating your goals may just give you a few other post ideas.

Can’t think how to get started? Just write the first thing that pops into your head. Anne Lamott, author of a book on writing we love, says that you need to give yourself permission to write a “crappy first draft”. Anne makes a great point — just start writing, and worry about editing it later.

When you’re ready to publish, give your post three to five tags that describe your blog’s focus — writing, photography, fiction, parenting, food, cars, movies, sports, whatever. These tags will help others who care about your topics find you in the Reader. Make sure one of the tags is “zerotohero,” so other new bloggers can find you, too.

Design a site like this with WordPress.com
Get started