Ito ang pagtatapos ng klase na marami akong bibitbiting baon sa hinaharap. Bago man mag-umpisa ang kursong ito ay masasabing isa ako sa mga guro na nais maging mahusay sa pagbuo ng mga pagtataya/asssessment ngunit hindi magawa. Sa pamamagitan ng kursong ito mas naging malinaw sa akin ang responsibilidad ng guro ay hindi lamang magsalitaContinue reading “Bagong Simula sa Pagtatapos”
Category Archives: EDS 113
Rubrik at Fidbak
Rubrik at Fidbak… ito yung kasama sa araw-araw na mundo ng mga guro at estudyante. Ang guro gagawa ng mga pamantayan/rubrik paano gagraduhan ang isang mag-aaral batay sa ipinakitang galing/husay sa isang gawain. Fidbak, magbibigay puna, suhestyon, panunuri ng guro sa ipinamalas ng mag-aaral. Laging magkapareha ang dalawang ito. Kung may pamantayang ibinigay dapat malamanContinue reading “Rubrik at Fidbak”
Gusto ko
Pagninilay ng isang estudyanteng guro Noong ako ay estudyante mas gusto ko magbasa ng tambak na babasahin at mga libro na required na ipinabibili sa paaralan. Mas gusto kong magkabisado at sagutan ang mahahabang True or False at Fill in the Blanks. Ang resulta? Naging matalas ang aking pictographic memory, nung nasa kolehiyo ako nagtakaContinue reading “Gusto ko”
Self Assessment at Peer Assessment, Paano, Gaano?
Kasama na sa buhay estudyante ang pagkakaroon ng kolaboratibong aktibidad, matapos ay maghahanda na para sa tinatawag na “Judgement day” kung saan magsasagawa ng peer at self assessment mula sa naiambag at naitulong sa bawat pangkat. Dito maghahalo-halo ang emosyon ng mga bata, dito nga sinasabing magkakalabasan ng hinanakit sa isa’t isa. Naalala ko paContinue reading “Self Assessment at Peer Assessment, Paano, Gaano?”
Dati at Ngayon
Repleksyon sa EDS 113 (Assessment and Alignment) Dati takot na takot akong mag-exam, namumuo ang mga pawis, kinakabahan, mabilis ang tibok ng puso na para bang sasabak sa isang malaking bakbakan. Marinig pa lang ang “EXAM” mas malala pa ito sa isang horror film kasi sa tingin ko pinahihirapan lang kami ng mga guro.Ano baContinue reading “Dati at Ngayon”
Assess o Assist?
Finals na! Final na naman! hay naku finals na naman…. Tuwing matatapos ang semestre, ito ang pinaghahandaan, pinagkakaabalahan at masasabing kinatatakutan ng mga estudyante. Estudyante lang ba? baka pati si teacher? Hindi lang naman ang mga estudyante ang nayayamot sa tagpo ng Finals. Ang hirap kayang gumawa ng exam! sa madaling salita nahihirapan ang estudyanteContinue reading “Assess o Assist?”
Pagtataya/Assessment
” Grabe ang hirap ng exam puro identification at fill in the blanks ! hay naku bagsak na naman ako…Pasado ka ba? “ Nakaranas ka na ba na wala kang masagot sa exam ng guro mo? dahil di ka nakagawa ng reviewer na nakalista ang mga importanteng termino na tila mas mahaba pa listahan ngContinue reading “Pagtataya/Assessment”
